Mga Sangkap
3 pitso ng manok, hiniwa ayon sa gustong laki
2 kutsarang mantika
2 kutsarang luya, hiniwang pahaba
1 katamtamang sibuyas, hiniwa
1 chicken brothcubes.
katamtamang dahon nh malungay
5 tasang tubig
2 tasang hilaw na papaya o sayote, hiniwang pakudrado
Paraan ng pagluto
1. Mag pakulo ng mantika sa isang kaserola sa katamtamang ini. igisa ang luya, bawang, sibuyas, sa loob ng 1 minuto.
2. Idagdag ang manok at gisahin hanggang maging mamula-mula. timplahan ng patis at asin o chicken cubes.
3. Dagdagan ng tubig. pakuluan ito sa mahinang apoy at hayaang kumolo-kulo sa loob ng 30 minuto o hanggang lumambot ang manok.
4. Idagdag ang papaya o sayote, iluto ng 5 minuto o hanggang lumambot ang papaya o sayote.
5. Takpan ang kaserola at alisin sa apoy
0 comments:
Post a Comment