Mga Sangkap
2 kilo pata ng baboy, hiniwa sa katamtamang laki at pinamlabot
3 kutsara mantika
8 butil bawang ,tinadtad
1 piraso katamtamang laki ng sibuyas, hiniwa
1 kutsarita patis pantimpla
1/3 tasa dinurog na mani
1/3 tasa dinurog na tinustang bigas
1 kutsara katas ng astuete
2 piraso talong, hiniwang pahilis
1 tungkos sitaw, hiniwang 3" ang haba
1 piraso maliit na puso ng saging, hiniwa
1/2 tasa bagoong alamang guisado
Paraan ng pagluluto
1. Painitin ang mantika sa kaserola.
2. Kapag mainit na ang mantika, igisa ang bawang at sibuyas.
3. Pagtapos, timplahan ng patis ayon sa panlasa.
4. Idagdag ang dinurog na mani at bigas.
5. Ibuhos ang sabaw ng pata.
6. Kulayan ito ng katas ng atsuete.
7. Pagkatapos kulayan, pakuluin at isama ang pinalambot na baboy. pakuluan hanggang lumapot ang sabaw.
8. Isama ang mga gulay at palambutin.
9 Ihain kasama ng ginisang bagoong alamang
0 comments:
Post a Comment