Mga sangkap
1 1/2 tasang bigas na malagkit
1 1/2 tasang kakang gata
2 tasang gata, pangalawang piga
1/8 kutsaritang anis
2 tasang asukal
Paraan ng pagluluto
1. Hugasan ang malagkit at salain
2. Ilagay ang gata at kakang gata sa kawali at isama ang anis.
3. Idagdag ang malagkit at lutuin sa mahinang apoy.
4. Haluin upang hindi dumikit sa kawali.
5. Kapag natutuyuan na idagdag ang asukal at halu-haluin hanggang lumapot.
6. Palamutian ng latik sa ibabaw
Pagluto ng latik
1. Maglagay ng 3 tasang gata sa kawali.
2. pakuluan sa mahinang apoy. Hintaying matuyuan.
3. Kapag malapit ng matuyo , halu- haluin ito hanggang matusta ang gata
4. Mapapansing nagkakaroon ng latik iwasang huwag matusta ang latik
0 comments:
Post a Comment