Thursday, April 25, 2019

Bistek tagalog

















Mga Sangkap
100ml mantika
200grams atsara
200grams letsugas 
720grams karneng baka lomo
50grams bawang tinalupan
200grams sibuyas hiniwang pabilog
150ml toyo
200grams katas ng kalamansi
2 grams buong paminta


Paraan ng pagluluto
1. Ibabad ang karneng baka sa dinurog na bawang, toyo at katas kalamansi.
2. Iprito ng katamtaman ang karneng baka bago hanguin sa kawali.
3. Igisa ang sibuyas ng malasado.
4. Idagdag ang toyo at katas ng kalamansi sa sibuyas at pakuluin hanggang lumapot.
5. Iayos ang piniritong karneng baka sa bandehado.
6. Ibuhos ang sibuyas sauce sa karneng baka.
7. Ihain ng may atsara

Paksiw na lechon
















Mga Sangkap
1 kilo lechon na baboy
1 latang liver spread
1 tasang suka
1/2 tasang asukal na pula
1 kutsarang asin
1 kutsarang pamintang buo
4 na ulo ng bawang,pinitpit
1 kutsarang bitsen
1/2 tasang tuyong oregano
1 tasang tubig


Paraan ng pagluluto
1. iligay ang hiniwang lechon na baboy sa isang kawala at isama ang lahat ng sagnka.
2. pakuluan.
3. hinaan ang apoy hanggang lumambot ang baboy at lumapot ang sarsa.

Pastel na manok

















Mga Sangkap
1 kilo manok
1 pirasong chorizo de bilbao, tinadtad
1 malaking sibuyas, tinadtad
1/2 maliit na carrot, hiniwa nang pakuwadrado
1 maliit na carrot, hiniwa nang pakuwadrado
2 patatas, hinawa ng pakuwadrado
1/2 kilo atay at balun-balunan ng manok
1 tasang gatas na evaporada
1/4 tasang arina
1 kutsarang asin
1 kutsarang vetsin
1/2 kutsarang pamintang durog
2 tasang pinaglagaan ng manok
4 ulo ng bawang, pinitpit


Paraan ng pagluluto
1. Igisa ang bawang.
2. Idagdag ang sibuyas, manok, atay at balun-balunan at chorizo.
3. Haluin sandali at ilagay ang kalahating sabaw ng manok.
4. Takpan at pakuluan ng 10 minuto.
5. Isama ang iba pang sangkap at idagdag ang natirang sabaw ng manok.
6. Ilagay ang gatas at palaputin ang sarsa sa paghalo dito ng tinunaw na arina.
7. Kapag malapit ng maluto, ilipat ito sa baking dish.

Escabeche




















Mga sangkap
1/2 kilo bangus, kinilikisan at nilinis
1 sibuyas, hiniwang manipis
2 ulo bawang, tinadtad
2 kutsarang mantika
2 pirasong siling pula, hiniwa
1/4 tasang suka
2 kutsarang asukal
1/4 tasang patis
2 kutsarang patis
1 kutsarang oyster sauce
1 kutsarang betsing
asin at paminta
1 1/2 kutsarang cornstarch tinunaw sa 1 tasang tubig


Paraan ng pagluluto
1. Iprito ang isda sa mahinang apoy hanngang maging mamula-mula, itabi.
2. Igisa ang bawang at sibuyas. Isunod ang lahat ng sangkap. Ihuli ang siling pula.
3. Kapag malapit nang matapos ang pagluluto, ihalo ang oyster sauce at betsin.
4. Idagdag ang asukal, suka at ang patis.
5. Ihain nang mainit.

Pinakbet












Mga Sangkap
1 bangus, katamtamang laki
1 tasang kalabasa, hiwa-hiwa
1 ampalaya, katamtaman ang laki
3 kutsarang bagoong alamang
2 puswelong sabaw-sinaing
6 okra
2 talong, hiniwa
10 pirasong sitaw
3 pirasong kamatis
1 sibuyas


Paraan ng pagluluto
1. Ilagay ang sabaw-sinaing sa kaldero. Ihulog dito ang sibuyas at kamatis na malaki ang hiwa. timplahan ng alamang. Pakuluin.
2. Ihulog sa kumukulong sabaw ang kalabasa. Isunod ang sitaw. Magkasabay na ihulog ang ampalaya, talong at okra. sa ibabaw nito ay ilagay ang inihaw na bangus.
3. Takpan at hayaang kumulo hanggang maluto ang mga gulay pati ang isda.

Chopsuey




















Mga sangkap
1/4 kilo na hipon, binalatan
1 katamtamang kali ng carrot, hiniwa ng pabilog
1/4 kilo ng repolyo, hinwa ng pakuwardrado
1/4 kilo cauliflower, pinaghiwa-hiwalay
1/4 kilo sitsaro
1 pirasong siling pula o berde, hiniwa nang pahaba
2 pirasong sibuyas, hiniwa sa apat na bahagi
3 pirasong ulo ng bawang, pinitpit
2 stalks leeks, hiniwa ng 2 pulgada
2 stalk celery, hiniwa ng 1 pulgada pahaba.
1/4 kilo atay ng manok
2 tasang tubig
12 pirasong itlog ng pugo, niliga at binalatan
1 kutsarang gaw-gaw, tinunaw
mantika, panggisa
patis, panimpla


Paraan ng pagluto
1. Igisa ang bawang at sibuyas
2. Ihalo ang hipon at atay ng manok.
3. Igisa nang 2 minuto at patisan.
4  Pagkalipas ng 3 minuto ibuhos ang 1/2 tasang tubig at timplahan. Takpan
5. Ihalo ang lahat nang gulay at iluto nang malasado.
6. Idagdag ang itlog ng pugo at ang nilusaw na gawgaw upang lumapot ang sabaw

Spaghetti Carbonara




















Mga sangkap
1/2 kilo spaghetti
1 sibuyas, hiniwa pino
1 luya, hiniwang pinto
butter
1/4 kilo ng bacon, hiniwa ng maliit 
1/4 kilo hotdog, hiniwa ng maliit
1 maliit na lata ng button mushroom, hiniwa-hiwa
2 maliit na lata ng sabaw ng mushroom
2 malaking lata ng gatas na ebaporada
1 kutsaritang pamintang puti
1 tasang keso, ginadgad
asin 
tubig


Paraan ng pagluto
1. Tunawin ang butter sa isang kawali
2. Prituhin ang bacon at hotdog. Idagdag ang bawang, sibuyas at luya.
3. Idagdag ang button mushroom, sabaw ng mushroom at gatas.
4. Haluin mabuti at timplahin ng asin at paminta.
5. Takpan at pakuluan ng 15 minuto hanggang lumapot ang sabaw.
6. Timplahin ng asin at paminta. Itabi
7. Sa isang kaserola, lutuin ang spaghetti noodles salain.
8. Ilagay ang noodle sa isang plato at ibuhos ang sauce sa ibabaw. Lagyan ng ginaggad na keso sa ibabaw nito.

Turon



















Mga sangkap
8 lumpia wrapper
4 na saging na saba
pulang asukal
langka
mantika


Paraan ng pagluluto
1. Sa isang kawali, magpainit ng mantika.
2. Hiwain ng  pahaba sa gitna ang saging at ilagay sa lumpia wrapper.
3. Samahan ng langka at kaunting asukal ang saging.
4. Ibalot ang saging sa lumpia wrapper at isara ang dulo nito gamit ang kaunting tubig.
5. Iprito ang saging ng lubog sa mantika. Budburan ng asukal ang saging habang piniprito.
6. Tusukin ito ng barbeque stick.

Bico




















Mga sangkap
1 1/2 tasang bigas na malagkit
1 1/2 tasang kakang gata
2 tasang gata, pangalawang piga
1/8 kutsaritang anis
2 tasang asukal


Paraan ng pagluluto
1. Hugasan ang malagkit at salain
2. Ilagay ang gata at kakang gata sa kawali at isama ang anis.
3. Idagdag ang malagkit at lutuin sa mahinang apoy.
4. Haluin upang hindi dumikit sa kawali.
5. Kapag natutuyuan na idagdag ang asukal at halu-haluin hanggang lumapot.
6. Palamutian ng latik sa ibabaw


Pagluto ng latik
1. Maglagay ng 3 tasang gata sa kawali.
2. pakuluan sa mahinang apoy. Hintaying matuyuan.
3. Kapag malapit ng matuyo , halu- haluin ito hanggang matusta ang gata
4. Mapapansing nagkakaroon ng latik iwasang huwag matusta ang latik

Hotcake
















Mga Sangkap
1 Kahon na hotcake mix (mabibili sa mga supermarket)
2 itlog
1 kutsarang baking powder
mantika
1/2 tasang tubig



Paraan ng pagluluto
1. Paghaluin ang hotcake mix at baking powder sa isang mangkok.
2. Ilagay ang mantikilya at itlog.
3. Haluing mabuti at isunod ang tubig.
4. Magpainit ng kawali sa mahinang apoy at lagyan ng kaunting mantika.
5. Ibuhos ng dahan-dahan ang hinalong sangka[. Kapag bumubula na sa kulo ang hotcake mix, baliktarin ito ng dahan-dahan.
6. Hanguin ang hotcake mis kapag mamula-mula na ito.
7. Pahiran ng mantikilya sa ibabaw habang mainit pa ito.
8. Maari din itong buhusan ng hotcake syrup.

Sunday, April 21, 2019

Chicken macaroni soup(sopas)
















Mga sangkap
300 grams Elbow Macaroni
3/4 kilo Chicken Breast
1 big can Alaska Evap (yung red ang label)
1/2 cup Star Margarine
5 cloves Minced Garlic
1 large White Onion chopped
2 pcs. Chicken cubes
Salt and pepper to taster



Paraan ng ng pagluluto
1. Sa isang kaserola, ilaga ang manok hanggang sa lumambot. Timplahan na ito ng konting asin. Palamigin ang manok at himayin. itabi ang sabaw na pinaglagaan
2. Sa isa pa ring kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting star margarine.
3. Ilgay ang sabaw na pinaglagaan ng manok at hintaying kumulo.
4. Ilagay ang elbow macaroni at hinimay na manok. Palaging haluin para hindi mag-dikit-dikit ang macaroni hanggang sa maluto
5. Ilagay ang chicken cubes at paminta. Tikman at i-adjust ang alat
6. Patayin ang apoy at saka ilagay ang alaska evap. Haluin, Takpan at hayaang umalsa ang macaroni

Adobong pusit




















Sangkap
1/2 kilo pusit
1/4 tasa tubig
1/2 tasa suka
1/2 kutsarita pamintang bou 
1/2 kutsaritang asin
5 butil bawang, dinikdik
2 kutsaea mantika 
1 piraso maliit na sibuyas, hiniwa
2 piraso kamatis, hiniwa
1/2 kutsarita asukal pantimpla


Paraan ng pagluto
1. linisin at hugasan ang pusit. Huwag alisin ang tinta.
2. pakuluan ang pusit sa tubig, suka, paminta, asin, at bawang.
3. takpan at palambutin.
4. salain at ihiwalay ang bawang .
5. itabi ang sarsa
6. sa malaking kawali, igisa ang bawang sa mainit na mantika. 
7. isama ang sibuyas at kamatis at hayaang lumambot.
8. idagdag ang pusit at ang itinabing sarsa.
9. timplahan ng kaunting asukal.
10. pakuluan hanggang kumonti ang sarsa.

Menudo




















Mga sangkap

1 kilo baboy
2 karot (hiniwa)
3 patatas (hiniwa)
2 tasa tomato  sauce 
1/2 tasa green peas
2 tasa tubig
1 sibuyas (hiniwa)
3 butil ng bawang (dinikdik)
asin at paminta na panimpla


Paraan ng pagluto
1. Igisa ang bawang at sibuyas, pagtapos ay ilagay ang aboy at sangkutsain sa loob ng 5 minuto.
2. Ilgay ang tomato sauce at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto
3. Ilagay ang tubig at pakuluin sa loob ng 10 minuto o hanggang sa lumambot ang karne at haluin paminsan-minsan.
4. ilagay ang karots at patatas, pakuluan hanggang lumambot at idagdag ang green peas asin at paminta, timplahing maigi
5. ihaing maiinit at huwag kakalimutang ngumiti ;-)